Hainanese Beef Noodle
Unang tikim pa lang, alam kong babalik-balik ako sa food stall na ito. Mahirap i-describe kung gaano sya kasarap, you just have to personally taste it. Gaya ng karamihan sa mga noodles dito, may option ka kung gusto mo ng dry or soup. Mas trip ko ang dry version, talagang malalasahan mo yung sarap ng pagkain. Anyway, may kasama rin naman syang soup, nakahiwalay lang. At syempre pa, hindi mawawala yung "blachan chili" on the side.
Madami ring masarap at kakaibang pagkain dito sa Singapore. Kaya kung magagawi ka dito, you might as well try local stuffs. It's a great gastronomic experience, ika nga ng tourism drive nila. Isa raw sa mga paboritong past time ng mga Singaporean ay ang "eating out" (pigging out pa nga ang term ng iba). Kaya naman kahit saang sulok ay may "hawker centre" o kainan.
Siguradong mga pagkain dito ang mga mami-missed ko kapag nag "for good" na kaming umuwi….
<< Home