Rebel Returnees...
...Yan ang tawag namin dito sa mga kasamahan namin sa trabaho na nag-decide na umuwi sa Pinas para makasama ang kanilang mga mahal sa buhay…."for good", pero bumalik ulit. Hindi lang isa o dalawa ang "rebel returnees" dito sa company (pa lang) namin, marami-rami na rin sila.
Sabi nila, swerte raw at nakabalik. Pero hindi mo maikakatwa ang bahid ng kalungkutan sa "rebel returnee" at sa amin pa ring nandito. Malungkot para sa mga "rebel returnee" dahil itinalaga na nila ang buhay nila sa abroad. Kumita ng disente pero malayo sa mga mahal sa buhay. Fitting talaga na tawagin kaming "modern day hero". Para naman itong malamig na tubig na ibinuhos sa aming naiwan dito na nangangarap na bumalik sa Pinas. Another "living proof" na wala na kaming babalikan.
Maswerte ako, (at ang iilan) kasama ko ang pamilya ko. Pero tama si Einstein, ang swerte raw ay bounded pa rin ng law of relativity. Sa mga ilan na wala ang pamilya dito, mas maswerte raw sila. Bakit kamo? Pwede kang magloko, buhay binata to the max. Typical na buhay raw yon sa abroad…yung mga illicit affairs. As long na kumpleto raw ang padala mo, eh okay lang. "Mild" nga lang daw rito compare mo sa Hongkong or other countries na maraming OFW. Medyo twisted ang concept ng morality pagdating sa bagay na yan. Kaya si kumander, di mo mapapauwi yon na hindi ako bitbit.
Ooops…parang lumalayo ako sa topic!? Balik tayo sa mga "rebel returnee". Ating himayin ang mga kadahilanan ng kanilang pagbabalik loob….
Karamihan sa kanila ay may malalaki na ring ipon kaya nag-lakas loob na umuwi. Nagtayo ng maliit na negosyo na bumagsak. Yung iba naman, eh nagoyo ng mga pyramid schemes. Yung iba naman, dahil sa itinagal sa abroad, hindi makasundo ang mismong pamilya nila. Na-missed nila yung "bonding stage", both as a husband and a father. Bumalik sila ulit sa abroad para matikman yung "carefree and peaceful" life na tinatamasa nila noon.
Hopefully, nakadaan sila ng duty-free at nakabili ng tequila. May kamahalan ang alak dito sa Singapore...
<< Home