mga kwento at haka-haka ni kakang pepe

Thursday, June 15, 2006

East meets west

balut at bud

Teka, ilang taon na nga ba ang nakallilipas mula ng kumain ako ng balut? Hindi ko na yata matandaan, pero sigurado akong lampas na ng sampung taon na s'yang inilagi ko dito.

Mas masarap pa rin s'yang kainin habang nakatuntong ang paa mo sa lupang tinubuan at ang panulak mo ay malamig na San Miguel beer.

Ngapala, pasalamat ako sa Auntie Jess na tiyahin ni esmi na nagpadala neto. Taga Taguig si Auntie kay naturalmente na may kasamang sangkatutak na itlog na maalat. Pasalamat na rin kami kay MeAi na asawa ng pinsan ni misis na si Robert na nagawi dito para sa isang seminar.