Batibot
Kahit na melancholic ka, kapag napanood mo yung episode ng Singapore Idol kagabi ay talaga mapapangiti ka! Okay that's too conservative of me….talagang matatawa ka!
Lyamado talaga tayo sa mga Singaporean pagdating sa kantahan. In general ha! Ako naman kasi pwede lang kumanta kapag naka 3 bottles na, at naka 5 bottles na ang audience. Well known dito ang Pinoy na mahilig kumanta. Sa company namin, hawak ng Pinoy ang trono tuwing merong videoke night. Fascinated din sila sa pagkanta nating mga Pinoy habang nagtratrabaho.
Balik tayo sa Singapore Idol…
Marami-rami rin sa mga contestant ang nabubuhay sa pagkukunwari. Kahit na parang pinupunit na yero ang mga boses ay sumali pa rin. Okay, everybody is in unison that they add to the zest. Sumali rin si "banana man", at syempre pa nakamaskara sya ng banana tree…bwahahaha! Yung isa DoReMi ang kinanta…talagang namang halos maiyak yung mga judges! Would you believe na may sumaling bingi, at kumanta using sign language?!
In fairness, may mga okay naman. Especially yung may mga foreign blood. I heard na may nakalusot na Pinoy na nag-tourist lang dito. I'm expecting na may sasaling mga inday. In few thousands sila dito and chances are marami sa kanila ang magaling kumanta. Hindi lang siguro pinayagan ng mga hinayupak nilang amo para mag- day off during the audition day.
<< Home