I LAB U SABADO (PATI NA RIN LINGGO)
the much awaited weekend is here at last!
i woke up with all the kids (3 of them) in our bedroom. and with my little abby beaming, there can be no better way to start this day.
may pasok si kumander, so
just had coffee and puto (na pagkasarap-sarap na gawa ng mylab ko the day before), hinatid ko s'ya sa bus stop, nag
oks ang wetmarket dito kumpara mo sa atin. seldom kang makakakita ng langaw at di maputik. nasa loob din ng chiller ang mga karne because of government regulation.
tigas talaga ang gobyerno dito, kapag sinabi ni tatang na '"dito tayo", dapat doon kayo. di uubra ang pa astig-astig, siguradong may kalalagyan ka!
lumalayo tayo, eniwey, half day nga lang pala ang palengke, at wag na wag kang mamalengke pag monday. bukod sa kinakailangan mo pang mag-leave, wala kang mabibili. high pressure washer nga pala ang ginagamit nilang panglinis ng market at the second half of the day. everday yon kaya malinis.
to give u an idea of the wetmarket price index in singapore, here's what i bought:
exchange rate: 1 sing dollar= 33php
batang fish (mackerel???) - 2 1/2 kg @ $6/kg
the fish is big enough for the whole week. marami kang pwedeng gawin sa kanya-- fry it, isigang mo, ihawin, iadobo, ipaksiw. nakow! pag isda ang ulam at may partner na gulay, wag na wag mo akong kakausapin habang kumakain.
beef (na pang-bistek) - 1/2 kg @ $8/kg
pssst....alam mo bang mas masarap kung pakukuluan mo muna sa pineapple juice ang baka bago mo ibistek? isama mo rin yung pinagpakuluan sa pinaka sauce nya. sekwet natin yan ha?
lahat nga pala ng mabibili mong baka dito sa singapore ay frozen, mostly from australia. isang malaking kabulastugan kapag sinabi sa 'yo ng tindero na fresh ang beef n'yang itinitinda.
sotong (squid) - 1 kg @ $6/kg
sigurado akong adobo lang ang kalalabasan neto.
wag na wag ka nga palang papayag kapag tinawag kang "sotong". demeaning word yan dito sa singapore. ibig sabihin, ay blur blur or tatanga-tanga ka.
pork ribs - 1 kg @ $7/kg
pang-sigang or pang-nilaga. pwede ring panghalo sa munggo (mung beans ang tawag nila) sa biyernes.
as usual, itlog lang ng pugo at century egg ang makikita mo sa palengke. damontres na bird flu yan!
araw din ng jalan jalan (gala) ngayon. punta kami sa orchard mamaya para ibili si alex ng sapatos. dyaskeng bata, ang bilis lumaki ng paa!
<< Home