mga kwento at haka-haka ni kakang pepe

Saturday, June 17, 2006

The long and winding road

Bakar Batu Road


Pasado alas nuwebe na akong nakauwi kagabi. Sa kadahilanang nasa industrial site ang company namin, tipong deserted at mangilan-ngilan na lang ang mga sasakyan na dumadaan, lalo na ang taxi. Baka amagin ako sa kakahintay kaya minabuti kong maglakad papunta sa main road na hindi rin naman kalayuan.

Tamang senti habang naglalakad ako at para pang nakikiramay ang mood ng paligid kaya inilabas ko ang 6230i at yang picture sa kaliwa ang produkto.

Maaga sanang ako nakalabas. May usapan kami ni esmi na susunduin ko s'ya. Off ko na sana ang pc ko bandang alas sais ng mag-ring and DID phone ko. Dammit! hindi magandang senyales. Akala ko pa naman naplantsa ko na ang dapat plantyahin para sa isang mapayapang weekend. Ayaw ko sanang damputin, kaya lang baka lalung mapasama. Kadalasan yung malilit na problema nagiging full blown forest fire kapag hindi naagapan. Contain the issue, asap: that's the key!

Mixed feeling kapag ganitong sitwasyon. Nakakaasar kasi paalis ka na. Nakakaasar dahil alam kong basura ng pinalitan kong engineer ang lilinisin ko. Eating somebody else' shit! Isang gasgas na profanity na madalas mong maririnig sa meeting, lalo na kapag crossfunctional. Pero sa isang banda ego booster rin. Alam mong your worth every cent in your payslip, minsan feeling ko shortchanged pa nga. After assessing the situation, alam kong titigil ang mundo ng operation kapag dinedma ko sila.

Prudence and professionalism made me did the right thing: ran the extra mile...;)