mga kwento at haka-haka ni kakang pepe

Friday, July 30, 2004

SA ISANG LIBO MONG HALIK AKO AY PUPUTI

nakakatuwa naman yung bunso naming si abby, may sound effect na yung kiss nya. we intend her to be our bunso kaya halos lahat ng first, eh milestone sa amin. talagang malapit ang puso ko kay abby (as with all my kids syempre). ika nga eh, sya yung kumumpleto sa pagiging ama ko. Yung unang dalawa kasi namin barako. iba talaga pag baby girl (tip..tip), iyakin at maldita makarinyo at malambing.

nabuo si abby nung namatay ng tatay ko. ewan ko ba sa sobrang lungkot yata, si Sallie ang napagdiskitahan ko. nakabalik na kami dito sa singapore ng malaman naming napuruhan pala si s'ya. medyo mixed emotions nga eh. syempre pa, another baby means stretching the budget and matagal akong outside the kulambo physically stressfull naman talaga. pero, i always believe that a baby is retribution for making your parents' life miserable a gift from ABOVE, so okay lang. medyo naunsyami ako ng lumabas sa ultrasound na babae pala yung next baby namin. chauvanistic ako ng konti mga pards, ang tingin ko eh argabyado ang babae sa mundong ibabaw plano ko kasing bumuo ng pang "first 5" sa basketball team. pero it turns out, na sya pala ang magiging "icing on the cake" sa buhay namin.

s'yangapala, in case ur wondering what's with the title. portion sya nung kanta sa lumang pelikula ng kupal na muntik na nating maging presidente"idolo" nating si FPJ at ni elizabeth ramsey.