mga kwento at haka-haka ni kakang pepe

Sunday, July 18, 2004

GISING NA INDAY!


heto ang view from the living room of  our flat. taken 7am Sunday morning...
 
although toa payoh kami, what ur seeing is the town of bishan.  just moved to this place, end of february this year after getting our permanent residency.
 
linggo na naman...araw ng mga inday.  don't get me wrong! wala akong hang ups sa mga dh (domestic helper).  marami rin namang kaming kaibigan ni misis na inday, fyi.  we just lovingly called them inday. 
 
as u can see, it's a perfect day.  di umuulan at makulimlim.  very conducive gumala-gala.  siguradong puno na naman ang lucky plaza, at syempre pa, ang gulong park.  gulong park eh yung bakanteng lote  across tang's department store which is just beside lucky.  hulaan mo kung bakit gulong park?  actually, wala naman talagang pangalan yung park na yon.  mga noypi na lang ang nagbigay nga pangalan na gulong park. unknown lang kung kailan bininyagan.  dumating ako dito nung March 1996 eh gulong park na yon, most probably, yung mga naunang ofw's.
 
ang gulong park eh isa sa mga tambayan ng mga inday tuwing sunday day off...ayun ay kung hindi smegs ang amo nila at papayagan sila.  may mga dala lang silang chicha at kwentuhan maghapon doon.  yung iba kahuntahan yung mga kapwa nila inday, yung iba prayer meeting, at yung iba naman kasama ang kanilang mga papa.