ISANG LINGGONG BLOG-IBIG
ten years wedding anniversary namin ng mylabidabs ko sa friday, so i decided to dedicate this whole week blogging about our lab istori. in tribute ika nga.
may 12, 1988 sa may paanan ng lambingan bridge...
i shit you not! lambingan bridge talaga ang tawag sa tulay na nag-uugnay sa sta. ana at kalentong sa may mandaluyong. kita nyo naman, setting pa lang lalanggamin na PC nyo.
piyesta ng sta. ana, bakasyon ng eskwela. syempre pa, nasa maynila si sallie. sa mindoro kasi sya nag-aaral ng high school. tagal ko na talagang s'yang tipo, kaya naman puro ang pa-cute ko ng makita ko s'ya.
syempre pa piyesta, lively ang atmosphere. the best daw
tuloy ko kwento...
gulat sya ng kinamayan ko (with matching pa-cute to the max) pagkatapos ng sinalihan kong marathon. finisher ako, pero kulelat. hanggang ngayon, di ko pa rin maiisip ang motivation ko sa pagsali roon. siguro i need visibility (corporate lingo: look busy, nevermind your ability).
nang dumilim, at matapos ang ilang tagay ng beergin, nagkita ulit kami. syempre pa, nakahiram ng lakas ng loob kay san miguel, sinabi ko sa kanya ang nilalaman ng aking puso
"PAG-IISIPAN KO MUNA!"
i was facing a wall, so i said something to this effect...
"ilang araw na lang babalik ka na sa lalawigan ng mga mangyan, pwede mo naman akong sagutin ngayon. pag-isipan mo na lang ng husto 'pag nasa mindoro ka na. kung di mo talaga feel, bawiin mo pagbalik mo sa pasko. okay lang sa akin yon. "
caught off guard s'ya sa drama ko, nalito. time for some diversionary tactic...
"punta ka ba ng perya, sasamahan kita?!"
naglakad kami papunta sa plaza. pa-gentleman effect, hinawakan ko ang kamay n'ya nang tumawid kami. nalibang yata, hindi na bumitiw.
i knew then, that we will be holding hands for the rest of our lives...
itutuloy!
<< Home