mga kwento at haka-haka ni kakang pepe

Monday, August 16, 2004

WINDOWS CRASHED

may bumagsak na bintana sa flat namin kagabi. by the looks of it, medyo may kataasan ang pinanggalingan, gula-gulanit pati yung metal casement. fortunately, walang nabagsakan. medyo hair raising, doon kasi s'ya bumagsak sa dinadaan namin.

may dumating nga raw na mga pulis and checked every houses, including ours. btw, hindi uso ang search warrant dito. kaya pwede nilang pasukin ang abode mo without funfare. pero magagalang naman sila kumpara sa mga "paunchy arrogant crocodiles" dyan sa pinas. they will show their badge (di isinasampal), then remove their shoes before entering the house.

straight forward ang datingan ng investigation. pag wala kang bintana, sayo yung nalaglag! most likely, multa yung may-ari. ibang usapan syempre kung may nadisgrasya.

high rise living ang style dito sa singapore. kaya naman, problema talaga yang mga nalalaglag. strict ang law nila pagdating sa ganyan. you are even obliged to get a licensed company to check your windows.

minsan may napraning na lalake. after magtalo silang mag-asawa, inawanan s'ya for good ni babae. ayun! lahat ng pwedeng itapon sa bintana, itanapon nya. kung pwede nga lang daw itapon yung inidoro. buti na lang walang minalas na nabagsakan. okay na yung lalake, kalmante na sya and spending his time in prison.

did you know that singapore has the highest rate of suicide per capita in asia? uso ang tumatalon dito tropa. marami rin nalaglag na katulong habang nagsasampay o naglilinis ng bintana. don't worry, mga indonesians yung nalalaglag. mas mataas ang IQ level natin sa kanila...sense of common ika nga.

kahit affluent na bansa ang singapore ay marami-rami ang depressed na tao rito. it goes to show that it's not all about money. sa pinas, medyo hikahos tayo, but we are resilient, hopeful at alam nating hiram lang ang buhay. gusto kong makitang mag-suicide ay 'yung mga congressman at senador na ang kakapal ng mukha! ayaw pa ring bitawan ang pork barrel sa kabila ng makapanindig balahibong deficit ng pinas.

pero, i don't think na depressed ang mga ibang tao dito sa singapore dahil sa amoy putok minsan ang simoy ng hangin. too much focus lang siguro on material things!

of course, all these are just theories, wala pa kasing nai-interview pagkatapos mag-suicide.

magulo ba yung kwento ko?!