Bakit Nga Ba?!
Siguro may mga nagtataka sa inyo kung bakit kumuha pa ako ng educational plan sa Pinas para sa mga anak ko samantalang okay na naman kami dito sa Singapore. Maganda naman ang sistema ng edukasyon dito at hindi kamahalan.
Bakit nga ba?
Dalawang bagay yan parekoy...
Una, nananalaytay pa rin sa mga ugat ko ang pagiging makabayan at nangangarap na isang araw ay uunlad tayo bilang bansa. Uuwi kami syempre at doon ko na pag-aaralin ang mga bata. Pero papasok daw sa politika si Kris Aquino in 5 years time, so maaaring panaginip na lang ito.
Pangalawa, nothing is certain kaya dapat may plan B. Hindi natin masabi na baka dumating ang panahon na magiging obsolete ang raket ko dito. Maaring lumipat ang industriyang sinusuportahan ko dahil sa globalisasyon. Hindi uubrang mag-iibang raket ako at siguradong liliit ang dilhensya, so balik Pinas kami.
Tinitingnan ko rin yung angulo na makalipat ng ibang bansa. Target ko ang Australia or New Zealand, pero plano pa nga lang talaga. May mga application ako pero hindi seryoso.
Mahirap magpatalon-talon dahil sa mga bata...
<< Home