Instant Noodle
Lazy sunday, my usual sunday...
Instant noodles na galing pang Pinas ang inalmusal ko, Lucky Me La Paz Batchoy to be precise. Although nag-improve na ng konti ang buhay namin, hindi pa rin namin inabandona ang pagkain ng instant noodles paminsan-minsan. As a matter of fact, parati kami may imbak at sa tuwing uuwi kami ng Pinas, siguradong may bitbit kami nito pabalik sa Singapore.
Instant noodle ang sinasabing de facto national food ng Pinas. Medyo nakakainsulto lang kapag sa bibig ng banyaga nanggagaling, pero ito talaga ang realidad. Mataas na kasi ang poverty rate sa atin kaya naging patok ang instant noodles, na bukod sa mura at malinamnam ay puwede pang pang-ulam. Dehins na mahalaga kung nutritional ba o hindi, sapat ng malamanan ang mga kumakalam na sikmura.
Target daw ni GMA na kalahatiin ang poverty rate ng Pinas before the end of her term. Pero sa going rate ng fertility ng Pinas, in absolute value, mas marami ang tirik ang mata by that time.
<< Home