Heto'ng Piso
Lumalakas na naman ang peso natin (P54.85=US$1), isang magandang senyales. Sana tuloy-tuloy na ito, wag sanang maudlot. Abot tenga rin si Ate Glo nang ipangalandakan n'yang mataas ang GDP (gross domestic product) natin. May potential naman talaga tayo bilang isang bansa. Sa katunayan nung nakaraang 1997 Asian crisis, isa ang Pinas sa mga di nabuwag.
Kailangan lang talaga ng matinding political will, hindi ubrang populist ang mga nakapwesto. Gaya ng issue sa VAT. Aminado naman tayo na matindi ang tax leakage at corruption, pero sa kalagayan ng bansa natin at sa kompleksidad ng problema, hindi uubrang ayusin lang ang problema, we will miss the boat ika nga--the boat to recovery and progress. Kailangan may containment. Dito papasok ang VAT. It's a bitter medicine that we have to swallow.
Dapat lang na tingnan mabuti kung alin ang mga dapat ma-exempt to maximize the gain and to cushion the impact sa mga mahihirap. Pero dapat in parallel, para may pakunswelo sa mga mamamayan, makita natin na seryosong inaayos ng gobyerno ang mga tax leakages at corruption.
Upbeat din ako dahil gumagalaw ang con-ass (constitutional assembly) para maging parliamentary/federal system tayo. So much for the check and balance na principle ng bicameral. We are too democratic to a fault. Naniniwala akong mapapabuti tayo kapag naging unicameral, bawas pulitika. I don’t intend to bore you with all the arguments at isa pa, lalayo tayo ng husto.
Anyway, di lang kayong mga nasa Pinas ang apektado ng pagtaas ng piso. Kami ring mga nasa labas ng bansa, adversely nga lang. Diluted ang buying power namin, pero sa akin okay lang yon. Ewan ko lang sa ibang utak ipis na mag-ngungungoyngoy na naman. Mas maganda naman para sa lahat kung susuriin mo yung bigger picture at long term effect nito.
At dahil masaya ako para sa bansa natin, share ko sa inyo ang kwento ni Inday...
Marie: "Inay, inay, may 20 piso po ako!"
Inday (Inay ni Marie): "Dyaskeng bata ka, saan galing yan!"
Marie: "Umakyat po ako sa puno, tapos dumaan si father, nakita n'yang wala akong panty. Ayon, pinababa n'ya ako at binigyan ng pera, pambili ko raw ng panty."
Inday: "O sige, sige, akina yang 20 mo at ibibili kita bukas. Maglaro ka na sa labas. Saan ba yung punong yon?"
Maya-maya lang…
Pagbalik ni father nadaanan n'ya si Inday na nasa taas ng puno.
"Hoy Inday, bumaba ka nga dyan! Hetong piso at bumili ka ng blade! Ahitin mo yan ha!"
<< Home