mga kwento at haka-haka ni kakang pepe

Wednesday, August 09, 2006

Ano ba talaga, kuya?

birthday ko...yehey!
Kasing gulo ng utak ko ang kaarawan ko. Katunayan, mabibilang sa daliri ng aking mga kamay ang mga talagang nakakaalala. August 6 daw talaga ang birthday ko sabi ng Nanay ko, contrary sa nakalagay sa birthcert ko na Dec 2. No fuzz type si ermat kaya imbes na itama ang paperworks na siguradong messy, hinayaan na lang na ganoon. I ended up having an 'official' birthday on Dec 2. But having faith kay Nanay (she should know better, s'ya yata ang nagluwal sa akin), I celebrate on Aug 6. Hindi ko lang alam kung tag-ani ba o hindi (my Nanay's uncanny way of remembering important dates).