mga kwento at haka-haka ni kakang pepe

Wednesday, July 14, 2004

This is the way we brush our teeth..

Ngingisi-ngisi na naman ang mga kumag, nakita na naman nilang dala ko ang toothbrush at toothpaste ko. Meaning, I'll be doing my after lunch ritual….magsipilyo. No big deal sa ating mga YONIP ito, embedded na sa culture natin ika nga. Pero dito, manghang-mangha sila! In case hindi nyo alam, official "brush your teeth 2 times a day" lang dito Singapore. Isa sa umaga, tapos sa gabi (minsan hindi pa nga raw, sabi ng colleague ko).

Pero yung iba nakikigaya na rin, sarap daw ng feeling. Once may nagtanong tungkol sa pagsisipilyo ko, here it goes:

Singaporean: Alamak!...forgot to brush your teeth this morning mah?

Me: I did, it's just that we are used to brushing our teeth three times a day.

Singaporean: Sure or not?...That's soooo shiok!

Me: "pabulong"(habang nakangiti)…@#?$*& ina…talagang shiok!...umalis ka sa harap ko't baka ibuga ko sayo itong minumumog ko….

Sobrang tapang ng amoy ng mga pagkain dito, lalo na kapag Indian food. Dapat nga, sampung beses silang magsipilyo. Kaya naman hate na hate ko kapag may scheduled meeting after lunch. Nakow…sight ang smell, talagang pamatay! Makikita mo yung mga tinga-tinga nila habang langhap sarap mo yung hininga nila. Isa ito sa mga pagkakataon na talagang mamumura mo ang gobyerno (at mga naging gobyerno) ng lupang tinubuan. Kung maayos sana ang naging pamamalakad nila, sana hindi ko tyinatyaga ang mga kulugong ito….grrrrrrr!