mga kwento at haka-haka ni kakang pepe

Tuesday, July 13, 2004

Pusang Gala Talaga...

Ewan ko ba, ang tagal-tagal ko na dito sa Singapore (walong taong mahigit na tropa!) but until now di ko pa rin maiwasang maiinis sa mga Tangaporean. Okay pa naman ang gising ko kanina, kahit na alam kong late nako eh super upbeat pa rin... until nung makasakay ako ng bus. Wala talagang pakialam sa kapwa ang mga tao rito, maano ba namang umusug-usog ng konti (parang yung kanta ni Florante?) nang makapwesto naman yung iba. Buti na lang at medyo "juicing" yung katabi ko…