mga kwento at haka-haka ni kakang pepe

Saturday, July 10, 2004

Pinoy Hostage in Iraq

We see it coming…

Pull out ba tayo o ano?! What's another Pinoy life anyway? Sa Pinas nga, everyday serving na yung mga namamatay dahil sa senseless violence, calamities that can be prevented or at least effect can be diluted. Of course, 'di mo pwedeng sabihin sa pamilya ng OFW yan, or bluntly make a press release using this as a rationale for making our troop stay. Kahit na gaano kapalpak ang premise ni Dubya nung sinugod nya ang Iraq, we are duty bound to support the peacekeeping. Not for the "crumbs" that Uncle Sam throws to us once in a while, but in our pride as a country.

Napakadesperado namin kasi ng buhay sa Pinas, kahit na mataas ang probability na matitigbak, eh willing pa rin ang iba nating kababayan na pumunta sa God forsaken country na yan. Yun ngang inawat na 120 sa airport eh talagang nanggagalaiti na umalis. Worthwhile nga namang matigbak ka sa paghahanap ng trabaho kesa tumirik ang mata mo sa gutom kasama ng mga mahal mo sa buhay...=(