mga kwento at haka-haka ni kakang pepe

Monday, January 03, 2005

Kamag-aral kita lamang ng unang pasukan, magkatabi pa tayo ng ating upuan...

How time flies....

Parang fresh na fresh pa sa akin ang mga panahon na nag-aaral ako, ngunit heto't dalawa na ang nasa elementarya ko. Talaga yatang di na maawat ang pagtanda ko tropa.

First day ng klase dito sa Singapore ngayon. Primary 1 na si Alex, samantalang si Arthur naman, primary 4 na. Ilang panahon na lang at binata na ang mga kumag na ito.

As usual, very much involve ako sa pag-aaral ng mga anak ko. I'm making sure that they are well prepared for school. Good education ang legacy na gusto kong iwanan sa kanila kaya I make sure that I play my part well. Isa nga 'to sa mga dahilan kaya di ko maiwan-iwanan ang bansang ito. Alam kong I'm giving them a headstart kung dito sila makakapag-aral. In fairness sa bansang ito, na boring maganda ang quality of education dito at hindi kamahalan. Kung sa atin ay itinaas na sa 65 ang class size, dito naman ay tinatarget nila ang less than 30 at talaga namang mapapataas ang kilay mo sa facilities nila. Nagkalat lang sa canteen at sa mga shaded area ang mga computers with internet access na pwedeng gamitin ng mga studyante.