mga kwento at haka-haka ni kakang pepe

Wednesday, November 10, 2004

Bangag

Feeling ko nakalutang ako the whole day because of my medication. Tamang deja vu ng mga araw na ako'y patikimtikim.

Kaninang umaga bago ako pumasok, dumaan muna ako sa doktor na malapit sa amin. Unlike most of the doctors here na pupurgahin ka ng gamot at patitirahin ka ng antibiotic kahit na viral ang sakit mo, 'tong company accredited doctor namin ay pwedeng pagkatiwalaan. Binigyan nya ako ng pink tablet na may paracetamol at anti-histamine. Inabutan n'ya rin ako ng cough syrup just in case mag all-the-way 'tong flu ko, pero wag naman sana.

Mind over matter ang labanan sa trabaho. Just imagine, I'm doing not one, but two engineering evaluations at the same time which require attention to details and analytical skills, and there i was, parang naka "downers".

All's well that ends well. Natapos ko sila pero sobrang pungay ng mata ko na para bang na "shotgun" ni Maryjane.


Holiday bukas, Deepavali---festival of lights, triumph of good over evil. Sarap sanang mag two-bottles...