Amoy Eleksyon
Tipikal na siguro kahit sa anong bansa na kapag malapit na ang eleksyon ay makikita mo ang mga pulitiko na aaligid-aligid na parang mga bangaw, kaya naman hindi ako nagtaka nang makita ko ang reigning MP (member of the parliament) na oposisyon at ang feisty opponent n'ya from the ruling party (PAP) noong ginagawa ang sirang display ng lift (elevator) namin. Trivial matter that becomes a source of 'grave concern'. Pero in fairness, hindi gaya sa Pinas, makikita mo rin naman sila all year round--hindi nga lang ganito kaatat.
Isa ang lugar namin sa inaasam-asam ng ruling party na makuha sa darating na eleksyon. Matagal-tagal na rin naman kasing nasa kamay ng oposisyon ang lugar na ito. Okay naman ang oposisyon dito, professional ika nga. Malayung-malayo sa mga assholes na pulitiko sa Pinas. Okay din naman ang ruling party. The result will speak for itself, kita mo naman kung paano nila ginawang from 3rd world to first world country itong little red dot. They were at the helm since Tatang's (Lee Kuan Yew) time in the late 60's.
Obviously, politics is one of the ills that pulls down our country to the lowest doldrum.
<< Home