At Ako'y Namulat sa Hubad na Katotohanan
Parang kinukurot ang puso ko at naninikip ang aking dibdib habang nanonod sa TFC kagabi. Buwis…sit (VAT na naman!) ang topic sa The Correspondent. Tinalakay sa episode ang magiging epekto ng dagdag na VAT sa ibat-ibang estrata ng ng mga tao sa lipunan: mahihirap, middle income at sa mga rich-to-the-max. Ayon sa gobyerno, P65 peso lang naman daw kada buwan ang dagdag na pasanin ng bawat pamilyang Pilipino.
Isa sa mga inusisa ang buhay ay isang magbobote na nagtitinda ng kung anu-ano at halos hindi na natutulog makakita lang ng ipapakain nya sa kanyang mag-iina. Ang asawa n'ya ay nagtratrabaho bilang janitress at may dalawa silang anak na babae. Dahil sa kakarampot na pagkain na naihahain sa hapag, hindi sila sabay kumakain. Pinapauna muna ang dalawang bata, tapos yung nanay, at yung tira (kung meron) ay sa tatay. Argggggh! (I felt my heart palpitate). Sa pagal nyang mukha mababanaag mong kulang talaga sa nutrisyon kaya naman inakala kong mas bata syang di hamak sa kanyang kaanyuan. Noong minsan raw, pagkatapos kumain ni misis ay halos tinik na lang ang natira sa isda, sinabing nitong ibigay na lang sa pusa. "Nandito naman ako, bakit ibibigay mo sa pusa?!", ang sabi ng tatay. Cute yung bunso nilang anak na babae, parang yung bunso ko, I can't help but empathize, pati si kumander na katabi kong nanood ay alam naninikip na rin ang dibdib. May mga tao kasing mahirap hindi dahil sa sila ay tamad o walang-utak. Marami-rami rin ang biktima ng random circumstances sa buhay. Kung medyo inalat pala ako, hindi malayong ako yung nai-feature!
So anong effect ng VAT sa kanila?! Manhid na sila sa kahirapan at anumang dagdag na hagupit ay di na alintana.
Buray ni apo talaga'ng buhay sa Pinas! Mahirap talaga ang mahirap...
<< Home