mga kwento at haka-haka ni kakang pepe

Wednesday, May 10, 2006

The best way to a man's heart


Whoever said it's thru the stomach should calibrate the eyesight and aim a little lower. Dahil kung talagang totoo 'yon, matagal na siguro akong sumama sa nagtitinda ng prawn noodle na dinayo namin ni esmi kaninang lunch time.

Heto na yatang recipe ng River South (Hoe Nam) ang pinakamasap na pork rib prawn noodle na natikman ko dito sa Sg. Sa pagkakaalam ko, 1971 pa itong kainan na ito. Sekwet daw ang recipe kaya kahit na anong lakas nila, iisa lang ang branch nito na matatagpuan sa Tai Thong Cresent sa tapat ng Jackson Kopitiam sa may Machperson. They keep it within the family, ika nga.

Payo lang kapatid: kung plano mong kumain dito kapag lunchtime, agahan mo.

Mabalik tayo sa koneksyon ng puson at sikmura. Ano nga ba? Wala yata. Pero good brownie points kung masarap magluto si kumander.