Kurang Nasi
--or less rice sa English...
See the similarities sa Tagalog at Malay? Kurang, parang kulang.
'Yan ang dapat mong sasabihin tuwing oorder ka ng makan (food) sa Malay food stalls dito sa Singapore kung medyo conscious ka sa calorie intake mo. Sandamakmak sila kung maglagay ng kanin, hindi dahil sa mukhang construction worker ka o masiba, ganoon kasi silang kumain kay ang assumption nila, ganoon ka rin.
Mas madalas na Malay food ang kinakain ko, hindi dahil sa converted na ako, mas malasa lang kasi ang timpla nila. Mahilig din silang mag-gata na akmang-akma sa panlasa kong Bicolano, uusok nga lang ang tumbong mo sa anghang!
Sa edad kong ito (to save you the trouble, 35 fyi) napapansin kong bumabagal na ang metabolism ko. Unless na magdadagdag ako ng exercise regime, dapat kontralado ang intake. Gaya nga ng sabi sa National Geographic, simple lang naman yan, pag kumain ka at hind mo nasunog, they will be stored as fat. Be it protein, carbo or fat.
Not that I'm thinking na magiging candidate ako sa gastric bypass, never that I know of na tumataas sa 1.o ang waist-to-hip ratio ko (ideal ballpark figure para sa male--0.9 sa bebot), iwas problema lang. Prevention is the best cure ika nga.
<< Home