Kwentong Barbero
Mukhang kinakailangan ko namang bumisita sa parlor, mahaba na naman ang buhok ko. Ewan ko ba, once na mapansin kong sumayad na sa tenga , di na ako mapakali hangga't di napupungos. Hindi naman sya ganoon ka-unruly kahit na kasing kulot ng utak ko. Nakasanayan ko na lang yata talaga ang clean cut. For practical reasons, I think. In case you want to know, though I strongly doubt it, I consider myself as a practical person.
Una, matipid sa shampoo at gel. Pangalawa, madaling patuyuin. Minute precision ang preparation ko sa umaga, so, it would be a bummer drying my hair,spending precious minutes which I would rather spend tossing and turning sa pugad ng aming pagmamahal ni Sallie. Of course, pwede naman akong gumising ng maaga and enjoy a lazy start, but that's not just me. Feel ko yung adrenalin rush kapag nagmamadali sa umaga. It supplements the kick of the coffee na timpla ni kumander alibasbas. Ooops, I'm getting off tangent here. Balik sa tayo sa kulot kong buhok… Pangatlo, since maikli nga sya, no need for retouch.
Naalaa ko tuloy noon nakatira pa kami sa Manila. Sort of a friendship ritual ang pagpapagupit. Si Pareng Bong at Pareng Aljohn (sumalangit nawa ang kaluluwa nya) lang ang nag-gugupit sa akin. Usually pagkatapos mag-basketball at mananghalin kapag araw ng linggo. Kadalasan spontaneous ang datingan, nakatambay lang kami sa looban (alley), payosi-yosi habang nagkwekwentuhan ng mga walang kakwenta-kwentang bagay, and out of the blue, mapapansin kong mahaba na pala ang buhok ko.
Gupitan mo nga ako pre!
In most likelihood sinasabay namin sa inuman ang gupitan. Bili lang kami ng grande, or kung walang-wala, gin bulag. Parusa talaga kapag gin bulag ang iniinom at tubig lang ang chaser. But looking back, kahit na anong askad ng toma basta't ang kainuman mo ay kaibigan, pwede na!
<< Home