mga kwento at haka-haka ni kakang pepe

Monday, October 04, 2004

THE WEAKEST LINK

Hirap talaga 'pag mahina ang amo mo, marami kang basurang ginagawa na ikaw mismo sa sarili mo ay alam mong hindi makakatulong para maresolbahan ang problema. How depressing! Okay lang sana maski medyo illogical o technically impotent sya, kaso hindi rin marunong makinig kadalasan at medyo bloated ang ego.

Tanginangyan!

Mabait naman 'tong manager kong si Y, to a fault nga lang. Sa nature ng trabaho naming ito, na sala-salabat ang functions ng bawat isa, at hindi ganoon ka-claro ang mga pinagmumulan ng mga problema, expected na ganoon ka nasty ang tulukan kapag may issue. Medyo mahina sa technical at very accomodating si Y. A sure recipe for other people to take advantage, buy some time while figuring out what to do, and yet, let you have pieces of their shit.

Hindi ka na nga mabigyan ng magandang direksyon, inuubos pa ang oras mo sa walang kakwenta-kwentang mga experiments at evaluations.