CAN U TELL ME HOW TO GET, HOW TO GET TO SESAME STREET
Google mo!
Iba na talaga ang mga bata ngayon, too much advance for their time. Siguro perception ko lang. Kaninang nakaharap sa PC si Alex, gusto n'ya raw puntahan ang Sesame Street website. Pinanood ko sila kasi kahapon ng show ni Elmo of ST sa isa sa mga mall dito, na-inspire yata. So ayun, tinuruan ko syang gumamit ng search engine.
Si Arthur naman, ang panganay ko na nasa grade 3, ginagawa n'ya yung presentation nila...sa powerpoint. Kahit na tinutuya ko sya sa format at content, I have to admit that I'm quite impressed. Mabangis na pala ang mokong. Natawa nga ako, gusto n'ya ba namang background sound yung Hey Mama ng Black Eyed Peas?! Naalala ko tuloy nang minsang nakita nya akong gumagawa ng blogs, gusto nya rin daw. Hmmmn....baka meron na sya, matanong nga.
I have this bad feeling na mababawasan ng mababawasan ang internet time ko sa bahay. Buti na lang unlimited broadband ang access namin dito sa bahay. Mas cost effective s'ya kumpara mo sa malapagong ng 56kbps.
Troubled soul...
Napansin nyo siguro na iba na naman ang skin ng blogs ko (for the umpteenth time), it's an itch I really have to scratch. And it doesn't end here! Plus, parang nagloloko pa ang hinayupak na Haloscan commenting. Sana, hindi nasayang yung mga komentaryo ng mga tropa ko sa blogging world.
<< Home