TAKE ME BACK IN YOUR ARMS MANILA
Ilang tulog na lang nasa Pinas na kami.
Makikita ko naman yung mga buwaya sa custom na kung makatingin eh para bang may kautangan ka sa kanila. Ewan ko ba, minsan nakaka-guilty rin na ikumpara mo ang Pinas dito sa little red dot.
Just can't help it!
Minsan nga sumasagi sa isipan ko yung sinasabi nilang wala raw kaming karapatan magsalita sa kadahilanang kami raw yung mga duwag na tumakbo. Sabi naman ng iba, kami raw yung mga bagong bayani.
Baloney!
Mixed emotions ako tuwing uuwi ng Pinas. Siguradong matri-trigger na naman yung allergic rhinitis ko kaya siguradong may baon na naman akong anti-histamine.
Kung talagang titingnan mo, di naman talaga practical umuwi ng Pinas. Bukod sa magastos, eh talagang hassle. Yung usok at alikabok na para kang sinasakal. Dahil sa wala akong lisensya at wala rin akong tsikot, ang hirap gumalaw kapag may gusto kang puntahan. Di ka naman makapag-taxi dahil paranoid ka na baka ka maholdap. Although hindi ko nilalahat, pero nakakaasar ring kausap ang mga taxi driver sa atin.
"Boss, sira ang metro ko...Traffic papunta ron 'pre...Malayo!, etc, etc..."
Pero kwidaw ka, despite of all its flaws and hang ups, I'm always looking forward to going back. Home is where the heart is. At gaya ng isang baliw na umiibig, patuloy kong babalik-balikan ang kaisa-isang kong pinakamamahal na Pinas.
<< Home