mga kwento at haka-haka ni kakang pepe

Sunday, March 27, 2005

Uwian Na, Uwian Na!

Starting April 5 ay bibiyahe na 3 times a week ang Tiger Airways papuntang Pinas from here in Singapore. Although sa Clark ang lapag, excited ang karamihan sa mga Pinoy dito. It's the advent of budget airlines na papuntang Pinas.

Don't expect the same perks like the regular airlines like hot meals, though you can have it by paying extra. Anyway, I'm sure most of us think that a meal is totally unnecessary for a 3-hour flight. Kung pwede ngang sabit eh, para ka lang natrapik sa EDSA.

It would also be good for our economy (though I doubt Lucio Tan is singing the same tune). That is, if we can sell our country as a safe place to frolic. With budget airlines, we can expect more tourist movements coming from Asia. It will be a boom for tourism especially on the northern part of Luzon.

Saturday, March 26, 2005

Isdang Tanga

Kahit umangat na ng konti ang estado ng pamumuhay ko ay naiwang bakyang-bakya ang taste bud ko. Although nadagdagan na ng konti dahil sa sojourn ko dito sa gastronomically exciting red dot, halos ganoong mga pagkain pa rin ang nakakapagpatulo ng laway ko.

Isa na rito ang sardinas...

Holy week kasi at syempre pa, tradition na na minimal o walang buhay na karne. Lunes pa lang naka set-up nang mag-gigisa ako ng sardinas sa upo nitong sabado kaya nung minsang nag-grocery kami ni esmi, top of the list s'ya.

Isa ang sardinas sa sinasabing pagkain ng mga dukha sa Pinas. Pero alam n'yo bang napakasustanya nito?

Tuesday, March 22, 2005

Thinking Out Loud on Holy Week

This is one of those time of the year that I wished I'm back home in Pinas. Other than friday is a holiday, and like Christmas, this week will be just any other day here. Workload wise, I expect to be buried in the heap but definitely, nothing and no one can make me work on Good Friday.

I know that solemnity should come from within. Not that I'm really that religious (I'm more of a secular catholic -- if there is such a term), but it's just feel different being in Pinas during the holy week. As if everything comes to a halt to pay homage to the Great One.

There are few questions - moot, academic and even blasphemous to a point - I have in mind. It is meant that His death on the cross be our redemption. Even Jesus, in great anguish, submitted to this grandest of plan. On this context, does this make Judas, Pilates and all of them that betrayed, ridiculed, punished and eventually crucified Him served as means to an end? If this is so, then they should be absolved. In mundane logic, I guess.

At any rate, I will surely make use of this week to contemplate my existence, ask forgiveness and pray for guidance and strength to do what is right and pleasing to my Creator. I wish you all a solemn and serene holy week.

Sunday, March 06, 2005

Technology Development

Less than a month nang bumili ako ng ipod , nakita ko sa d'yaryong bumagsak pala ang presyo n'ya ng S$140 (4.6k pesos). Alaskado ako habang "ibinibida" ko kay misis ang latest blunder ko. Alam ko naman talagang bababa ang presyo, base na rin sa overall trend ng consumer electronics, but I don't expect it to be that fast. I should have known better, hmmp!

No regrets frankly. Tingnan mo, kung hihintayin mo talagang bumaba ang presyo bago ka bumili eh talagang hindi ka na bibili. At the time any electronic item reaches the seabed, it will be obselete as a new one will be born. And besides, you will miss all the months that you should have enjoyed that particular techonological item. There are tell-tale signs naman kadalasan kung babagsak ang presyo. You just have to be discerning.

Recently kasi naglabasan ang ibat-ibang MP3 player na kahit sadsad sa lupa ang presyo ay di ma-dethrone and Apple. Siguro na-realize nila na sooner or later na kailangan nilang maging competitive pati sa presyo or else kakainin ang marketshare nila ng ibang industry player lalo na ng Creative, Singapore firm na may gawa ng Zen.

Not that it matters to most of you, but the electronic industry is now depressed. MP3 is one of the applications that somehow keeps it afloat.

This would be the general trend in electronic industry as nanotechnology gains momentum: cheaper, smaller, more reliable and "green". Semiconductor industry gurus are in chorus that the roadmap will be exciting and open-ended. Definitely, consumers are looking forward to this with arms wide open. As for us in the industry, specially those doing prototypes like me, it would be hairsplitting, nerve-racking, mind-boggling struggle to live up to the challenge.

Saturday, March 05, 2005

Ang Bossing kong Atat

Nagkaroon ng movement sa middle-upper echelon sa department namin. Ang dating supercool director namin na si Trebor ay napunta sa operation samantalang ang "hype-na- di-na-yata-natutulog" na senior manager naming si Nomis ay director na. Si Loverboy naman ang pumalit kay Nomis at si Kodyak ang pumalit kay Loverboy na sya ng lao pan (amo) ko ngayon.

Magulo ba? Don't delve to much on the hierarchy. Tad boring info I know. Ngapala, you may find those names funny. Pseudonyms lang yon na ginagamit namin dito ng mga kapwa ko noypi para medyo discreet ang dating kapag pinag-uusapan namin sila.

Bagong promote lang si Kodyak bilang manager - na deserving naman talaga - galing sa iba pang grupo ng inhinyero. Open book na nadismaya si Nibor at Kupal na matagal-tagal na rin namang nilulumot - na dapat naman - sa pagiging senior engineers. We're expecting friction from within. Nakakaaliw minsang subaybayan ang corporate politics, parang sarswela.

Matagal-tagal ko na rin namang kakilala 'tong bagong amuyong ko, 7 taon na. Buddy ko sya sa gym at nakaka-interface ko noon pa man sa mga na cross-functional issues. He's brilliant,go-getter, work-til-you-drop perfectionist. Walang asawa, nobya, life outside work. Ultra-rightist ika nga.

Superb di ba? In a way yes. As an engineer I get satisfaction when solutions are swift and proper.

Kaya lang...

Lately madalas n'ya akong tawagan after work on trivial issues na pwede namang maghintay kinabukasan. Odious di ba?! Okay lang sa akin na abalahin during my personal time bastat hindi ako umiindayog importante talaga at hindi pwedeng maghintay kinabukasan. Yung tipo bang hihinto ang mundo 'pag hindi ko nadesisyunan. I work to live and not the other way around.

Wednesday, March 02, 2005

At Ako'y Namulat sa Hubad na Katotohanan

Parang kinukurot ang puso ko at naninikip ang aking dibdib habang nanonod sa TFC kagabi. Buwis…sit (VAT na naman!) ang topic sa The Correspondent. Tinalakay sa episode ang magiging epekto ng dagdag na VAT sa ibat-ibang estrata ng ng mga tao sa lipunan: mahihirap, middle income at sa mga rich-to-the-max. Ayon sa gobyerno, P65 peso lang naman daw kada buwan ang dagdag na pasanin ng bawat pamilyang Pilipino.

Isa sa mga inusisa ang buhay ay isang magbobote na nagtitinda ng kung anu-ano at halos hindi na natutulog makakita lang ng ipapakain nya sa kanyang mag-iina. Ang asawa n'ya ay nagtratrabaho bilang janitress at may dalawa silang anak na babae. Dahil sa kakarampot na pagkain na naihahain sa hapag, hindi sila sabay kumakain. Pinapauna muna ang dalawang bata, tapos yung nanay, at yung tira (kung meron) ay sa tatay. Argggggh! (I felt my heart palpitate). Sa pagal nyang mukha mababanaag mong kulang talaga sa nutrisyon kaya naman inakala kong mas bata syang di hamak sa kanyang kaanyuan. Noong minsan raw, pagkatapos kumain ni misis ay halos tinik na lang ang natira sa isda, sinabing nitong ibigay na lang sa pusa. "Nandito naman ako, bakit ibibigay mo sa pusa?!", ang sabi ng tatay. Cute yung bunso nilang anak na babae, parang yung bunso ko, I can't help but empathize, pati si kumander na katabi kong nanood ay alam naninikip na rin ang dibdib. May mga tao kasing mahirap hindi dahil sa sila ay tamad o walang-utak. Marami-rami rin ang biktima ng random circumstances sa buhay. Kung medyo inalat pala ako, hindi malayong ako yung nai-feature!

So anong effect ng VAT sa kanila?! Manhid na sila sa kahirapan at anumang dagdag na hagupit ay di na alintana.

Buray ni apo talaga'ng buhay sa Pinas! Mahirap talaga ang mahirap...