mga kwento at haka-haka ni kakang pepe

Saturday, March 26, 2005

Isdang Tanga

Kahit umangat na ng konti ang estado ng pamumuhay ko ay naiwang bakyang-bakya ang taste bud ko. Although nadagdagan na ng konti dahil sa sojourn ko dito sa gastronomically exciting red dot, halos ganoong mga pagkain pa rin ang nakakapagpatulo ng laway ko.

Isa na rito ang sardinas...

Holy week kasi at syempre pa, tradition na na minimal o walang buhay na karne. Lunes pa lang naka set-up nang mag-gigisa ako ng sardinas sa upo nitong sabado kaya nung minsang nag-grocery kami ni esmi, top of the list s'ya.

Isa ang sardinas sa sinasabing pagkain ng mga dukha sa Pinas. Pero alam n'yo bang napakasustanya nito?