mga kwento at haka-haka ni kakang pepe

Monday, May 16, 2005

The Search is Over

Walastik naman talaga dito. Biruin mong it took me almost a month to get a replacement for one of my engineering operator! Generally, "allergic" kasi sa cleanroom type of job ang typical na Singaporean kaya karamihan ay taga-kabilang lupa (Malaysia) at taga-malaking lupa (China) ang nagtratrabaho sa mga semicon firm dito. After a trickle of applicants (3 lang ang nag-apply), kinuha namin yung Indian applicant from Malaysia. High school graduate s'ya with working experience not-so-related sa job function. Although, I was hoping to get someone with at least a good exposure in wirebonding, okay na rin kesa wala. Actually hindi naman ako ganoon ka metikoloso bossing, hindi baleng maganda at seksi as long as she can do the job.

Kung sa Pinas ito siguradong pinutakte na ako ng mga applikante. Siguradong the next day na mag-post ka sa classified madaling araw pa lang mahaba na ang pila. Most probably kasama sa pila ay mga magaganda college grad.