hinihintay ko si esmi kanina sa may labas ng somerset mrt station ng
may lumapit na matandang chinese sa akin. i'm actually tempted to
use matandang tsekwa, kaya lang offensive daw iyon sabi ng iba
nating kababayan na chinese...eniweys, may tinatanong sya sa akin in chinese. gaya ng karamihang matatanda rito, hindi sila marunong
ng english. usually chinese, malay, hokkien or other
dialects. syempre pa sabi ko, "sori auntie i don't speak
chinese". ngumiti sya at umalis, obviously nagetz nya.
di lang naman ito ang pers taym na napagkamalan akong chinese. daang beses na, sa train, sa kalsada, pati nga nung minsan sa toilet.
nung unang dating nga si esmi dito, napagkamalan pa akong employer nya...hahaha! sabi ko nga sa kanya, either mukha lang talaga
akong mayaman na chinese or talagang mukha ka lang talaga s'yang
longkatuts. matanong nga kita kabayan, nasa
karakas ko ba na chinese ako?!
sa tinatagal tagal ko rito sa singapore, na pangalawa sa mainstream
language ang chinese, eh dehins ko naisipang mag-aral ng lengwaheng chinese. kahit na alam kong makakatulong ng malaki ito sa akin
both personally and professionally. majority sa hawak kong tao,
chinese. of course may alam akong paisa-isa. gaya ng "wo ai ni"
(i lab u), wo pu tse tao (i dont know), haw (good), xie xie ni (tenk
yu) at marami pang iba.
english kasi ang primary language rito, added value lang ang marunong ka ng ibang language. da best kung marunong ka ng chinese at malay. okay rin naman kung marunong ka ng ilocano, bisaya or iba pang lenggwahe ng pinas...ayon ay kung mahilig kang mangbingwit sa ilog ng lucky plaza tuwing linggo.
ewan ko ba!? either that i don't really see the need or just a matter of pride. alam kong mado-dominate ng china ang asian economy. pero alam ko rin, na to make it really epektib, it is imperative that they use the english language. they know it, sinisimulan na nila. dehins naman ako chauvanist, pero alam kong mas magaling pa rin tayo sa kanila. i'm saying it thru experience, dahil na rin sa mga "smegmatic" na mga tao rito sa office. dangan nga lang at "smegmatic" ang bansa natin. labo ba?!